Sunday, June 5, 2011

Tagalog usapan jokes

Here's a collection of tagalog conversations guaranteed to make you laugh:

~*~*~

Maid1: Amo ko galante. Lagi nagbibigay ng pera't damit lalo na pag wala si ma'am
Maid2: Amo ko kuripot. Sabay kami mag-shower para tipid daw sa tubig.

~*~*~

MISTER: wala akong tulog dahil naiisip ko P500K na utang ko kay pare.
MISIS: madali yan! Tawagan mo si pare, sabihin mong hindi ka
makakabayad sa utang mo para siya naman ang hindi makatulog!

~*~*~

JEEP PASSENGER: manong bayad.
JEEP DRIVER: saan galing?
JEEP PASSENGER: sa akin.
JEEP DRIVER: papunta saan?
JEEP PASSENGER: sayo.

~*~*~

Maid: Naku, ate! Pinatungan ako kagabi nu'ng magnanakaw!
Amo: E, bakit di ka sumigaw?
Maid: Akala ko si sir eh... Pero nu'ng naka-dalawa na siya, doon na ako nag duda!

~*~*~

Amo: Inday, titira dito ang biyenan ko ng 3 buwan. Ito ang listahan
ng mga favorite nyang pagkain.
Maid: Opo, sir.
Amo: Kapag may niluto ka dyan, lagot ka sa akin!

~*~*~

Mrs: Naniniwala ka ba na ang babae habang tumatanda ay gumaganda?
Mr: Oo naman.
Mrs: Sa tingin mo, gumaganda ba ako?
Mr: Sa tingin ko, hindi ka tumatanda.

~*~*~

Son: Itay, pinagalitan ako ng titser ko!
Dad: Bakit?
Son: Hinalikan ko po ang seatmate ko.
Dad: Tong anak ko, manang mana. Hehehe. Eh, masarap ba?
Son: Opo, pogi po sya eh...

~*~*~

Lasing: Hoy! Sinong matapang?! Labas!
Lalake: Ako! Bakit? Lalaban ka?!
Lasing: Pare, ihatid mo naman ako sa bahay, natatakot ako kay misis eh.

~*~*~

Tatay: Asensado na talaga ang anak natin sa US. Ito, nagpadala ng
picture, nakasandal sa kotse. Basahin mo nga ang nakasulat sa likod.
Nanay: Inay, nagpapasalamat ako, kasi, kung hindi dahil sa kotse na
ito, natumba na ako sa sobrang gutom.

~*~*~


If you have more to share feel free to share it here.
Share a joke, Share a smile. :)

2 comments:

  1. Asteeg! ayos yung sa maid. kopyahin ko na agad pang GM.

    add ka pa po. :)

    ReplyDelete