Wednesday, June 29, 2011

Learning Numbers

The teacher asked little Johnny if he knew his numbers.

"Yes," he said, "I do. My father taught me."

"Good. What comes after three?"

"Four," answers the boy.

"What comes after six?"

"Seven."

"Very good," says the teacher. "Your dad did a fine job. What comes after ten?"

"A jack, then A Queen..."

Sunday, June 5, 2011

Tagalog usapan jokes

Here's a collection of tagalog conversations guaranteed to make you laugh:

~*~*~

Maid1: Amo ko galante. Lagi nagbibigay ng pera't damit lalo na pag wala si ma'am
Maid2: Amo ko kuripot. Sabay kami mag-shower para tipid daw sa tubig.

~*~*~

MISTER: wala akong tulog dahil naiisip ko P500K na utang ko kay pare.
MISIS: madali yan! Tawagan mo si pare, sabihin mong hindi ka
makakabayad sa utang mo para siya naman ang hindi makatulog!

~*~*~

JEEP PASSENGER: manong bayad.
JEEP DRIVER: saan galing?
JEEP PASSENGER: sa akin.
JEEP DRIVER: papunta saan?
JEEP PASSENGER: sayo.

~*~*~

Maid: Naku, ate! Pinatungan ako kagabi nu'ng magnanakaw!
Amo: E, bakit di ka sumigaw?
Maid: Akala ko si sir eh... Pero nu'ng naka-dalawa na siya, doon na ako nag duda!

~*~*~

Amo: Inday, titira dito ang biyenan ko ng 3 buwan. Ito ang listahan
ng mga favorite nyang pagkain.
Maid: Opo, sir.
Amo: Kapag may niluto ka dyan, lagot ka sa akin!

~*~*~

Mrs: Naniniwala ka ba na ang babae habang tumatanda ay gumaganda?
Mr: Oo naman.
Mrs: Sa tingin mo, gumaganda ba ako?
Mr: Sa tingin ko, hindi ka tumatanda.

~*~*~

Son: Itay, pinagalitan ako ng titser ko!
Dad: Bakit?
Son: Hinalikan ko po ang seatmate ko.
Dad: Tong anak ko, manang mana. Hehehe. Eh, masarap ba?
Son: Opo, pogi po sya eh...

~*~*~

Lasing: Hoy! Sinong matapang?! Labas!
Lalake: Ako! Bakit? Lalaban ka?!
Lasing: Pare, ihatid mo naman ako sa bahay, natatakot ako kay misis eh.

~*~*~

Tatay: Asensado na talaga ang anak natin sa US. Ito, nagpadala ng
picture, nakasandal sa kotse. Basahin mo nga ang nakasulat sa likod.
Nanay: Inay, nagpapasalamat ako, kasi, kung hindi dahil sa kotse na
ito, natumba na ako sa sobrang gutom.

~*~*~


If you have more to share feel free to share it here.
Share a joke, Share a smile. :)

Thursday, June 2, 2011

A filipino ghost story

May dalawang kaluluwang nag uusap sa sementeryo.
pagod na sila sa pagala-gala at pananakot sa sepulturerong sanay na sa takot.
hindi na nila kayang takutin, kaya nagtsikahan na lang sila.


GHOST 1: pre, kung bubuhayin tayo ulit ni LORD, ano ang gusto mong maging?

GHOST 2: I want to be a soldier pre.

GHOST 1: pre, galing ka na sa kamatayan, gusto mo pang maging sundalo? eh madali kang mapapatay ng mga kalaban.


GHOST 2: ganon ba? O sige, gusto ko na lang maging "kalaban" ng sundalo. hehe ikaw nga pala, ano ang ikinamatay mo?


GHOST 1: ALAK!


GHOST 2: aaah, nagkasakit ka sa atay?


GHOST 1: hindi! nuong buhay pa ako at lasing minsan, sabi ko sa metro bar,

"lahat ng gustong uminom, umorder lang!"

umorder naman ang mga lasenggo dun.


GHOST 2: aaah, nasobrahan ka sa alak, inatake ka sa puso?

GHOST 1: hindi. ng dumating na ang bill, at libo-libo ang halaga sabi ko,

"lahat ng gustong magbayad ng ininom natin, mag ambag-ambag na!"


GHOST 2: aaah, nagalit sila at ginulpi ka hanggang mapatay?

GHOST 1: hindi. nagbayad naman sila pero ipinakasumpa-sumpa ako na,

"mamamatay ka rin." kaya siguro ako namatay.



GHOST 2: Ahaha! kung di ka lang patay. Mapapatay kita. ang kulit!



GHOST 1: Teka pre, ikaw ba anong ikinamatay mo?

GHOST 2: Wag na mahabang kwento...

GHOST I: ok lang may time naman ako, to listen.



GHOST 2: Asawa ko ang dahilan. malas ako sa naging misis ko!

nuong nabubuhay pa ako, madalas siyang nagpupunta sa nightclub.


GHOST 1: aba, lasengga! may nambastos sa kanya? napaaway ka at napatay ka?

GHOST 2: hindi pre, gabi gabi siyang nagpupunta sa nightclub para kaladkarin akong pauwi.


GHOST 1: aaah, kalaunan hindi na siya nakatiis at napatay ka niya sa kunsumisyon?

GHOST 2: hindi, nanaginip ako minsan at ginising niya ako.
sabi: "nagsasalita ka sa pagtulog at me kinakausap kang GLORIA ang pangalan. taga nightclub sya ano?"
ang sagot ko naman: "Pinagbabawalan mo na nga kaming magkita, hanggang sa panaginip ayaw mo pang makausap ko sya?"


GHOST 1: aaah, nabuking ka ni misis na me kabit, kaya tinigok ka?

GHOST 2: hindi, nag file siya ng annulment at nag away kami sa attorney's fee.


GHOST 1: aaah, hindi kayo nagkasundo sa hatian sa attorney's fee kaya nauwi sa madugong patayan?

GHOST 2: hindi. nalaman ko na libre pala ang bayad nya sa abogado kasi boyfriend na pala nya.


GHOST 1: ayuuun, nainsulto ka at napatay mo yung lawyer, nakulong ka at nabitay for murder.

GHOST 2: hindi pare. kinumpronta ko yung lawyer para makaganti.
sinabi ko na: "iyong-iyo na ang asawa ko tutal nasabi na naman nya sa akin na hindi ka na tinatayuan ng bandila."
siya ang nainsulto at binaril ako sa tiyan.



GHOST 1: Shocking pala ang lovelife mo at sa baril ka pa namatay...



GHOST 2: hindi. naisugod ako sa ospital. naalala ko nga nung inoperahan ako. Putlang-putla na ako sa dami ng dugong nawala sa akin.

sabi ng doktor: "parang takot na takot ka?"

sagot ko: "dok, first time ko ho na ooperahan."

sabi nya: "Huwag kang mag alala, first time ko rin mag opera. kaga-graduate ko lang."


GHOST 1: inakupo! sumabalay siguro ang duktor, kaya nalagutan ka rin ng hininga ano?

GHOST 2: hindi sya sumablay. Nakiusap lang ako na sana wag akong magaya sa iba na naiiwanan ng gasa sa loob ng tiyan.
sabi ng duktor: "Huwag kang mag-alala, marami kaming gasa dito sa ospital."




GHOST 1: ayuuun, nainis ka sa doktor at ayaw mo ng magpa opera sa kanya. nagpalipat ka sa ibang ospital at sa biyahe ka namatay?

GHOST 2: hindi. natuloy ang operasyon at nabuhay ako!



GHOST 1: teka, akala ko ba asawa mo ang dahilan kaya ka namatay?

GHOST 2: Siya nga! Yumaman na siya sa piling ng abogado at nagkaroon ng marangyang buhay.
Mansyon at magarang kotse at nasagasaan niya ako
ayun nabalian ako ng buto sa paa. hindi naman sinasadya.




GHOST 1: At na ospital ka na naman, naoperahan na naman, nakaligtas na naman pero natetano siguro sa bakal na brace sa paa kaya ka namatay di ba?

GHOST 2: hindi. namatay ako nuon ding masagasaan niya.

GHOST 1: nabalian lang ng paa namatay na? aaah, siguro naubusan ka ng dugo dahil hindi agad naisugod sa ospital?



GHOST 2: hindi. pagkasagasa sa akin, nabagok ulo ko sa semento. PATAY!


GHOST 1: Ah Mahabang kwento nga...
GHOST 2: Sabi sayo eh. kulit mo kasi!

LOL